Posible bang maging ‘invisible’ ako kahit sa saglit na panahon lang?

Mukhang di na kinakaya ng katawan ko ang mga sunod sunod na pangyayari eh. Haish. Sana lang wag ako magkasakit para kahit paano eh di maging pabigat sa inaalala ni mama. Tsk tsk tsk.

Abe ko nga eh, isa sa mga taong pinakamahirap tanggihan para sa akin ay yung bespren ko. Oo, mula nung nagdrama sya sa FS at yung biglang pag-iimbita sa akin sa isang organisasyong binuo nila para sa mga kabataan sa barangay namin, di ko na alam kung ano pa ang pedeng sumunod na mangyayari. (pero sa totoo lang, ako lang pala ang nag-isip na nagda-drama sya, trip nya lang sumulat nun na nabigyan ko ng ibang pakahulugan.. tsk tsk tsk, adik talaga ako)

Kahapon, after the urgent meeting at city hall na niconduct ni Sir Batoy, napilitan akong sumama kay khris na pumunta sa GA na ginanap sa Cassanova drive. The only reason i see kung bakit ako sumama eh yun dahil sa magaling kong bespren at nothing more (as of now). Kung di ko pa nalaman na sya ang may gusto na isama ako dun eh tuluyan ko na siguro yung babalewalain.

See, i am a very busy person, di ko na alam kung paano pa pedeng magsingit ng meeting sa mga weekly schedules ko. Aside from being a working student, i have to do myresponsibilites as a son to my mom and an older brother to my sister. (woot, as if naman nagagampanan ko lahat ito) paano pa?

Pero mukhang kahit anong mangyari, di ko ata talaga matatanggihan yung bespren ko. Kayang kaya kong tanggihan lahat ng kaibigan ko pero wag lang ang bespren ko. Inshort, nakapunta pa din ako. Bahala na.

Isang inggo na ang nakakaraan, akala ko ay hindi nya talaga ako naintindihan.. pero, mali pala. Si bespren na akala ko ay nagda-drama, si bespren na akala ko eh walang pakialam sa akin eh ang taong unang makakaintindi pa pala sa’kin. Akalain ko yun, ngayon, sino kaya ang mas nagda-drama sa aming dalawa? Oo na, ako na. Aminado na ako. Nagugulatang lang talaga ako. Di ko lang talaga lubos akalain.

Batay na din sa post-reply nya dito sa isa sa mga ‘kadramahan’ ko, nagkamali nga talaga ko.

Pasensya, di ko akalain. No doubt, tama lang na ikaw ang naging bespren ko, isang nagpapakadramang tulad ko ang nagkaroon ng isang kaibigan na tulad mo. Mukha ka lang may sariling mundo at walang pakialam sa akin (yun ang madalas kong tingin sa iyo noon, pero ngayon eh hindi na) pero sa totoo eh isa sa mga taong mas nakakaintindi sa akin.

Nga pala, ipagmamalaki ko sa buong mundo na ikaw ang bespren ko. Hahaha. Di ko ilalabas pangalan mo dito, dahil yun ang gusto mo, kamoh, ayaw mong ibenta kita dito. Pero pero pero, salamat talaga. ^_^

Wag mo akong gulantangin ng kung anu-anong bagay, kung may sakit lang ako sa puso eh tyak inatake na ako sa tuwing may balita kang ibibigay sa akin.

Nung nakaraang linggo, nagpaka-emo si bespren.. Ewan ko na lang kung ano pa ang pedeng itawag ko sa kanya ngayon. May mas madrama pa bang pedeng maitawag sa isang taong mas emo pa sa emo?

Maliban sa pagpapatama sa akin sa FS nung isang linggo, kagabi, isang kagula-gulantang na balita ang binigay sa akin ni charles. “Mad, marketing offcer ka ng org na binubuo ni SK Chairman, sa linggo may GA tayo sa casanova drive, hatid ko bukas yung invitation mo”.

Woot, paanong naging marketing officer ako without my consent? (uso pa pala yun) Di man lang nila ako pinasabihan na magkakaroon ng gantong klaseng appointing. To make it short, ayoko ng posisyon na yun.

I have 4 reasons why i should not accept it. First, busy ako. Oo, hindi makatarungang palusot yun para takasan ang lahat, pero eh sa busy talaga ako eh. Ikalawa, acad + work mode ako, sunday na lang ang natitirang araw sa akin para sa pahinga. Monday to Saturday eh 6am - 11:30pm akong dilat, konting awa at habag naman at wag nang ipagkait ang linggo sa akin para ipahinga ko ang sarili ko. Maliban sa work and acad ko, hawak ko pa ang isang chapter ng mga Quezon City Skolar, though di naman ganun kadami eh kahit na.. dagdag isipin pa yun. Ikatlo, isa lang ang katawan ko, isang pares ng kamay, at binti, isa lang din ang utak ko. Makakaya ko pa kayang gampanan yun? Ikaapat, pagsama-samahin mo yung tatlong ‘mababaw’ na mga rason na yun para maging apat na.

Ambabaw ba ng rason ko? Oo, siguro, pede ding hindi. Pero, iba ako sa ibang tao. Kung para sa iba eh madali lang na magsingit ng isa pang puproblemahin e para sa akin naman eh mahirap yun. Woot, konting habag naman. Kung pede nga lang na parte-partehin ko katawan ko e matagal ko nang nagawa yun for sure.

At ayun, takas na kay Chairwoman yung mga palusot ko, pero ano ang nagpa-alangan sa akin ng bigla-bigla? Ang mismong bespren ko ang nangulit na ibigay sa akin yung posisyon na yun. Hmm. Tokwa, alam naman nung kumag na yun na sya ang taong di ko kayang tanggihan eh. Pero, sa puntong ito, kakayanin ko bang tumanggi sa kanya?

Mahalaga sa akin yung kumag na yun, hindi lang bespren tingin ko sa mokong na yun, kundi kapatid.. younger brother.. [dahil siguro sa wala akong kapatid na lalaki kaya malapit sa akin yung kumag na yun] Simple di ba? Pero, si bespren laban sa pahinga ko? Alin ang mas pipiliin ko?

Nung isa araw, i am asking myself kung ano nga ba talaga purpose ko dito sa mundo, and now, i am asking myself kung paano ko mapagbibigyan ang bespren ko sa gusto nyang dagdag pasanin para sa akin.

Di naman ganto dati to eh, nagsimula lang magdrama yung kumag nung matapos yung paliga, nung bigla akong nawala sa sirkulasyon ng palaro at halos 3 linggo ding hindi nagparamdam sa kanilang lahat. [woot, trip ko lang, haha. may work ako kaya out muna ako sa paliga]

 

Ah ewan, isip isip isip mode. Paano? Paano at malaking paano..

Naranasan mo na bang madramahan ng isang taong di mo sukat aakalain na magda-drama?

Yung tipo na, wala sa hinagap mo na ang isang tulad nya ay maaring magdrama din pala sa totoong buhay? Nakakatawa, nakakalungkot at madalas mas tagos pa ang drama na nagagawa nila kumpara sa mga telenobelang inaabangan gabi-gabi.

Isang seryosong adik ang bespren ko, di sya ang tipo ng tao na aakalain na bigla-biglang magda-drama dahil sa panandalian kong pagkawala sa sirkulasyon ng buhay naming magkakatropa (tropa mula nung highschool). Well, honestly speaking minsan lang kami magkausap nung kumag na yun, di din kami teksmeyt, at mas lalong di kami phonepal (syet, nakakakilabot pag ganun.. sapat na yung pag nagkita kami eh para kaming sinasaniban ng masamang espiritu ng kaadikan).

We’re not the same, actually, we’re totally different from each other. Heartthrob sya, HeartRUB naman ako, habulin ng mga bebot at ikatlong lahi ang mokong samantalang ako eh habulin ng aso, marunong magdrums ang kumag pero kahit anong gawin ko eh nahihirapan akong matuto kahit ang simpleng snaire beat eh di ko pa nagagagawa, mahilig magpuyat yun samantalang ako naman eh mahilig matulog, sya ang bunsong anak sa kanilang magkakapatid samantalang ako naman ang panganay. Matalino ang kumag, madalas pag sinasaniban ng maligno yun eh nakakagawa ng mga artikulong nakakapagpabighani sa mga kababaihan, samantalang ako eh pag naaadik at tinatamad eh tsaka nakakagawa ng mga artikulong nakakatakaw ng atensyon ng iba (wish ko lang tulad nya eh nakakabighani din para sa mga kababaihan yung mga nagagawa ko).

Natural na malambing yun, samantalang ako eh kahit anong lambing ang gawin ko kahit kanino eh mas madalas na mas nabibigyan ng malisya yung sa akin (kahit pa dun sa mga taong di naman kamanyak-manyak.. syet), pero ang kumag eh kahit mukhang nakakamanyak na yung paglalambing eh ayos lang sa mga chiching nakapalibot sa kanya.

Seryosong may sayad yung taong yun, di madalas magseryoso yun o kung sakali man eh tatahimik lang yun sa isang sulok at magtetext hanggang sa bumalik na sya sa natural na sya. Samantalang ako eh pag nagseseryoso eh nagiging focus sa mga bagay na ginagawa, hanggang sa puntong pati ang natural na mundong ginagalawan ko eh nakakalimutan ko na ding parte pala ng buhay ko.

Almost 3 years na din mula nang naging magbespren kami nun, di ko na matandaan kung pano pero trip-trip lang namin talaga yun, at dahil sa magkatukayo naman kami halos sa lahat ng bagay e hanggang ngayon eh yung trip-trip na yun eh tuloy-tuloy pa din. Magbespren na kami and this one is for real.

may friendster nga, wala namang kwenta. send-an mo ng msg, walang reply.

Ano nga ba talaga silbi ng prenster? Isa na lang ba talaga itong social network na ang tanging silbi ay ang makapagkunek-kunek ang mga tao na nagbabakasakaling makakahanap ng isang katulad nila? O isang paraan para mkipag- ‘ keep in touch’ sa mga kaibigan at mga minamahal na asa malalayong lugar? O isang paraan para magkasukatan ng pagiging sikat dahil sa dami ng mga kumento na lampas libo kung bibilangin at prens virtually?

bakit kaya pag nakatungtong na ng college, nag iiba ang lahat??

Hmm. May punto nga, dapat ba talagang maging ganto ang lahat ng tumutuntong sa kolehiyo? Hindi ba pedeng manatili tayo sa kung ano tayo bago magkolehiyo? Though alam kong parte ng pagtanda ang pagbabago/pag-iiba ng ugali ng bawat isa sa atin, pero pede bang di muna gawing balidong rason iyon para makaalala sa mga dating kaibigan?

kalimutan daw ba ung mga dating tropa? bkit di ba pwede na keep in touch? bakit hindi? hectic schedules? marami projects?? ows.. di ka lang kasi naging kuntento nung hayskul, naghahanap ka lang ng sarili mong lugar. sabagay, lahat naman tayo ganun.

pero teka teka…. bakit kelangan mong makalimot? kelangan bang ibaon mo ang nakaraan mo para lang mahanap mo kung ano ka sa future? tae… ang korni nman nun.

Kitams, amtindi ng epek ng pagda-drama nya di ba? Haha. May punto sya, kailangan ko nga bang makalimot para lang hanapin ang sarili ko o kung ano ako sa future? Di naman sigurong sapat na rason yun para magsarili sa pagharap sa mga hamon na darating.

confused lang ba ako dong? ang saklap naman ng katotohanan. siguro mas masarap sa mundo na kahit mag bagong buhay ka na, o kahit may anak ka na, andyan pa din sila, ang mga dating tropa, kasama mo khit iba na klasmeyt mo, o katrabaho mo, nagkakaget-together pa din kayo pminsan-minsan. DI BA?? DI BA???

Ewan ko, pero mukhang kahit alam kong di naman siguro direktang pinapatama sa akin nito ni bespren eh, pero kahit pa, tagos na sa akin.

———————————-

Minsan, masarap humarap sa mga hamon ng buhay ng mag-isa lang, kasi after mong malampasan ang hamong yun eh masasabi mong sing tibay ka ng bato dahil sa tindi ng pagharap mo dito.. pero, mas masarap ding humarap sa mga hamon na darating sa ating buhay na may mga taong kasama, kasangga at maaaring masandalan. kaibigan, minsan pati kaaway eh marunong din makisimpatya.. bespren pa kaya? sakaling di mo man nakayanang malampasang ang hamong yun, proud ka pa ding tatayo at masasabi sa lahat na… ‘hanggang sa dulo, di ako pinabayaan ng mga taong malalapit sa akin, kasama ko silang hinarap ang mga hamon na ito, at ngayon, sa aking pagkabigo, kasama ko pa din sila‘.

ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng mga tropa kung di mo din naman silang ituturing na mga totoong tropa? ‘utol’ nga ang tawag mo madalas sa kanila eh, di ba ‘kapatol ng pusod’ ibig sabihin nun, eh bat hanggang tawag ka na lang at di mo mapanindigan? hmm. isa ka ba sa mga taong hanggang boka na lang?

which is which?

Hindi ko ugaling magrepost ng post ng ibang tao, pero sa ngayon eh mukhang di ko muna susundin yung pagdidisiplina ko sa sarili ko, repost ko lang itong gawa ni kuya aizen.

Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog.

Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, “Tutulungan kita, Pedro”

Sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, “Ito ba ang martilyo mo?”…

“Hindi po.”

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, “Ito ba?”

Hindi po.” Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, “Ito ba?”

” Opo!” Natuwa ang anghel.

“Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa ‘yo na rin ang gold and silver hammer!”

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya.

Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog.

Iyak si Pedro. Litaw si guardian angel. “Tutulungan kita.”

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri. “Ito ba ang misis mo?”

Sagot si Pedro, “Opo!” Nagalit si anghel, “Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka.”

Nag-reason-out si Pedro, “Sorry po, angel… kasi kapag sinabi kong ‘Hindi’, eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya ‘Yes’ na lang ang sinagot ko nung una.”

MORAL OF THE STORY: Kaya lang naman nagsisinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason…

May punto nga naman, hanep! Amkulet nitong kwentong ito, nirepost ko lang po ito dito dahil sa natuwa ako, from kuya aizen’s post sa FS.

paano kung dumating ka na sa puntong pinagdududahan mo na ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo? lahat ng taong inaakala mong tototo sa iyo ay unti-unti mo nang tinuturing na mga kaaway? paano kung dumating ka na sa puntong pati ang sarili mo eh pinagdududahan mo na din? posibleng identity crisis yan, kewl pero nakakatakot. kakayanin mo pa bang tumagal hanggang sa dulo ng laro at makita mo sa main screen na ‘congratulations! you finished the quest’ o sa unang round pa lang ng laro eh game over ka na?

Trust. Isa yun sa mga pinakakailangan ay yung TRUST. Hindi sya yung condom na madalas mong gamitin sa pagsasariling sikap ah, sya yung pagtitiwala sa kapwa. ^_^ Pag nagtiwala ka sa ibang tao, nuanahan mo nang pagtiwalaan ang sarili mo. You trust yourself to trust other people. Isa sa pinakamahirap gawin, pero ang pinakamasarap naman na maranasan.

Pero paano na lang kung unti-unting naglalaho ung pagtitiwalang binibigay mo sa ibang tao sa isang simpleng dahilan.. TSISMIS. Masasabi mo pa bang sapat na ang pagtitiwala na binigay mo sa iba o sa sarili mo?

TSISMIS. Maguumpisa sa isang simpleng kwento, na kapag kumalat, nadadagdagan.. parang maliit na baga nang apoy na unti-unting sumisilab at lumalakas, na hanggang sa dulo ang maliit na apoy  na ginawa mo sa umpisa eh di mo aakalaing ang magiging apoy na maaring lumamon sa sarili mo ding pagkatao.

kwentong barbero, madalas na katuwaan, pero madalas din na nagiging dahilan sa pagkakasiraan.

Isa sa mga nakikitang rason kung bakit nagkakaroon ng kwentong barbero tungkol sa pagkatao mo ay yung mga salitang INGGIT at pagiging SIKAT. Sikat ka at naiinggit sila, they want to bring you down in any possible ways na pede nilang maisip. A test for yourself and to other people as well na sobrang malapit sa sarili mo.

may sayad man ako, isa lang ang alam ko. TOTOO ako.

Sikat ako. People are trying to pull me down, they’ll do everything Read the rest of this entry »

Tatlong araw na lang eh pasukan na naman, iba ibang emosyon na naman ang nraramdaman ko.. Taon-taon, ganto lagi, pare-pareho man pero lagi namang magkakaiba.

Tuwa, pananabik, gulat, takot at kung anu-ano pa. Iba iba eh, ganun talaga ko.

Tuwang tuwa ako kasi, makikita ko naman yung mga may sayad kong mga kaklase. Sila lang ang nagpapasaya sa araw-araw ko, makita ko lang silang lahat, parang may kakaibang espirito na sumasanib sa akin tapos nagiging may sayad na din ako. Di naman mga sintu-sinto mga kaklase ko eh, sila para lang silang mga bisyo na mahirap mawala. Read the rest of this entry »

Everytime na pumapasok ako sa bagong trabaho, isang bagay lang lagi ang naalala ko. Ang pakiramdam ng tumatanggap ng cheque dahil sa trabahong pinagpagurang trabaho ko.

 

Two years ago, first work ko ang maging isang field worker sa Quezon City Government, first work ko yun kaya pakitang-gilas agad ako (kahit hanggang ngayon na din naman eh), and after a month, i got my first ’sweldo’.  Since i am in government, i must not assume na above minimum wage ang matatanggap ko. I’m in field works, baguhan ako, incoming college freshman, and noob pang maituturing sa ganung trabaho.

Six thousand five hundred pesos for 20 Read the rest of this entry »

Woot. May panibagong kaadikan si earthlotus.. Ang camera effect na night vision. ^_6

And sa mga iilang madalas bumisita sa bahay ko dito.. Eto ang may pakana sa kaadikan ng earthlotus.net ^_^

 

ayan! parang may sayad lang. nyahaha.

buti pa pag nakanight-mode, mas gwapo ako tingnan. wahaha. X_X

 

Woot. After 2 weeks, up na ulet ang earthlotus.net.

Tsk tsk tsk. I lost everything dahil sa 2 weeks na pagkawala sa sirkulasyon ng sarili kong bahay dito. I lost my PR, i lost all my back-ups [katangahan, accidentally nadelete ko yung back-up ko, adik di ba?], and for now, back to square 1 ulet ang drama ko.

Bakit nga ba bigla-biglang nagdown ang earthlotus.net? Woot. I dunno, nawala na lang bigla yung hosting/domain record ko sa nameserver and i thought it would only last for about 24hours dahil Read the rest of this entry »

Is there a difference between growing up and growing old? A question that sometimes make me sick. *nung medyo may sayad pa naman ako..

But later, i learned that there is a big difference pala. Engot ako sa grammar, kaya naman inabot pa ako ng ilang taon para lang magets yung mga salitang yan. Kung ano, at paano at saan ba sila pede o tamang gamitin.

Growing old is mandatory and Growing up is optional. Hmmm. Make sense.

May punto nga naman, every one of us grow old. Sabi nga dun sa isang wento na nabasa ko..

“ang lahat ay tumatanda.. pero hindi lahat may pinagkakatandaan.. abutin ka man ng isang taon sa higaan mo ng nakaplakda lang, di mo mapipigilang tumanda , kahit pang 80 taon ka sa higaan mo, still.. 80 taon ang madadagdag sa edad mo..

pero.. naisip mo bang kahit sa simpleng pagkakataon eh may napagkatandaan ka? inabot ka nga ng 80 taon sa higaan, pero may pinagkatandaan ka ba? wala.

nakadepende pa din sa tao kung magpapakahangal sya at umabot ng ilang dekada pa dito sa mundo pero walang napagkakatandaan. i pity them..

sa isang minuto, posibleng may pagkatandaan ka.. at kung iisipin mong may magagawa kang makabuluhang bagay sa loob ng isang taon, isipin mo na lang kung paanong pagkatanda meron ka.. “

Hindi ganito ang eksaktong linya, sa pagkakatanda ko, sa ganitong paraan nya sinabi.

Ako kaya? Inabot na ako ng 18 taon gulang. Did i grew up or just grew old? Which is which.

BBJ. Birthday Blow Job.

Masagwa ba ung title? Medyo natatawa lang ako, pero para sa akin eh walang malisya yung title.. 4 na tao yung biglang dumalaw dito at biglang nagtext sa akin, sabi nila, palitan ko daw yung title, medyo masagwa..

Naisip ko lang, alin ang masagwa sa title na yun? Wala naman ata eh. Berdey ko kahapon, and at the Same time eh asa City Hall ako dahil sa JOB ko, and the night right after nung pinuntahan ko sa Cubao eh yung Blow Out naman.

Hmm. Ah ewan. Basta ako, malinis konsensya ko na walang masama dun sa title nung nipost ko, depende na lang siguro kung paano nyo babasahin yung title at ano ang biglang papasok sa isip nyo, well kung di maganda ang papasok sa isip nyo, di ko na kasalanan un. Kayo ang nag-iisip nun.

By the way, back to my birthday and not to the title of my post last time, I celebrate it at our home. Only few came, di dahil sa sadyang madamot ako at konti lang ang naimbitahan ko, but I just wanted to spend the night with the persons whom I know that knows me well.

They know me in different way, bawat taong naroon, may iba-ibang pakahulugan sa kung paano nila ako nakilala at kinilala. ^_^

SB Family (ate cris, nay nhur, kuya raffy, joan, angela, aiza, mark, & khris) - Family from the SYDP of Quezon City, mga co-scholars, and at the same time, few of them eh co-worker ko din.

BGates (mau, joyce, charles, cris) - they are my classmates when I was in high school. Medyo mahaba-haba na din yung pinagsamahan namin nung mga kumag na toh kaya mahirap silang iwan, mahirap kalimutan at mahirap balewalain.

Faisah and Sherwina & Jamir - my officers. Wahahaha. ^_^ Ang supertwins ng Chapter namin at yung pinakamasipag naming Treasures / External President. Oha oha oha, san ka pa?

SK Chairwoman (melinda) - bigatin, ilang officials of ExeCom ng SYDP and ang SK Chairwoman ng barangay namin. Hmm. At salamat sa iyo egay, sa iyong padalang ‘pastel’. Amtamis.

Bespren Miks -ang pinaka-kupal kong katukayo. Ah ewan.

Kumander - medyo iwas akong isulat name mo dito sa entry na ito kasi habang tinitipa ko ito eh asa kabilang upuan lang yung mismong kapatid mo. Oha oha oha. Takot ko lang naman.

At para dun sa mga humabol na hindi ko na naisama yung pangalan dito (due to aging, medyo nagiging makakalimutin na ako eh) eh maraming salamat din. @_@ Naappreciate ko ng sobra yung pagdating nyong lahat. ^_6

And for MEIKO LAPAY.. eto lang masasabi ko.. Read the rest of this entry »

Ilang oras na lang at darating na din yung oras na masasabi kong LEGAL na ako sa mga bagay-bagay.

Ligal sa puntong, pede na akong magpakalango sa alak (as long as di ako magpapakalasing, pero legal nang uminom ng alak.. pero, honga pala, umiinom na pala ako ng alak mula pa nung nagkolehiyo ako.. tsk tsk tsk), legal na sa yosi (anak.. kahit maging legal na ako sa paghithit ng yosi, di pa din ako magpapaadik sa yosi.. tama na yung once in a blue moon na pagyoyosi.. 1 stick per month is enough, pantanggal nerbyos lang naman eh), legal na sa alam-nyo-na-yun. wahahahaha. ^_^

Pero pero pero.. Malabong maging ganun ako kaLegal. Hanggang pangarap lang yun. Sa panahon kasi ngayon, mas bantay-sarado ako ni mama. Kung kelan namang umabot ako sa gantong edad eh tsaka pa ako pinaghigpitan ng todo.

Iinom ako ng alak (mostly light lang dapat kasi ambaho sa pang-amoy ko ng rhum at gin) pero di ako magpapakalango, ayokong malasing, ayokong magtawag ng uwak.

Magyoyosi ako (dati pa naman eh natuto na akong magyosi eh, pero di ko inaadik sarili ko sa bagay na yun) pero kung talagang ninenerbyos lang ako (kesa naman ikamatay ko ang kaba) pero hindi ako magpapakaadik sa paghithit nun.. Ammahal kaya ng yosi, kahit pang 1.50php lang yun.

Pero teka teka.. Maliban sa pagiging LEGAL ko, ano pa bang dapat kong asahan sa ika-18 taon ko dito sa mundo? Isip isip.

Since 18 na, may 18 rason akong nakikita kung bakit ko dapat icelebrate ng masaya yung kaarawan ko kahit medyo di ganun kaengganyo..

Countdown.

18. Ngiti ng mga estranghero. matatamis na ngiti ang natanggap ko ngayon araw na ito sa mga taong di ko kakilala. Mostly sa kanila mga bata. Ewan ko, pero nung papunta ako ng cityhall kaninang 2pm, yung mga nakakasalubong ko eh panay ngiti lang sa akin. (di ko alam kung may sayad lang ba ako o sadyang yun ang paningin ko?)

17-16. Babae. 2 dating kaibigan. FRIENDS lang talaga pramis! (eee? sagot-artista? friends lang ba talaga?) 2 chiching ubod ng seksi na mga dati kong kaklase ang bigla kong nakasalubong kanina. Almost 2 years ko na ding hindi nakikita yung mga chiching yun ah. Yung una eh si EZRA, the next one is JOAN. ^_^ I saw them again. Si ezra, yung sister nya eh dati kong niligawan, at si joan eh crush ko (noon hanggang ngayon).

15. Cellphone. Isang katakot-takot na pangyayari, nagtopak ang shelpon ko, pero buti na lang at ayos na. Pinakaba nya ako dun ah. Sarap ibato, kung di lang ako nanghihinayang eh matagal ko nang ginawa.

14. End of Contract. Tapos na ang kontrata ko sa City Hall.

13. Stipend. After ilang buwan ng paghihintay, yung stipend ko sa cityhall e lumabas na din. ^_^ Kahit di sya ganun kalaki, pede na din pagtyagaan kesa naman sa wala. Atleast SKOLAR pa din ako kahit pasaway at marami na akong ginagawang kalokohan.

12. Skolar. Skolar pa din daw ako, ayoko na ngang maging skolar eh, kaya nga nirarason ko na yung mga winithdraw kong subject para lang matanggal sa scholarship grant, pero ayaw nila akong palayasin. Sabi nila, wag ko daw iiwan yung chapter na hawak ko, tyak, goodluck na lang ang drama sa kanila pag nangyari yun.

11. Utang. Yehey! Mababayaran ko na si Melinda at Khris (ang soon to be na magiging mag-un) Di naman kalakihan utang ko sa mga yun eh, pero mas okay nang makatulog sa gabi-gabi na walang inaalalang utang. Wahahaha. ^_6 Mas okay matulog ng ikaw ang inuutangan kesa ikaw ang mangutang. Make sense? Ah ewan, basta yun. Haha. ^_6

10. Testi sa FS. Yung taong di ko akalaing makakaalala sa akin eh sya pang isa sa mga naunang bumati sa akin sa FS. Kaklase ko sya, pero di kami ganun kaclose tulad ng ibang barkada ko, nakakausap ko lang sya minsan at nakakakwentuhan. Nagulat lang ako. Mga 2 segundo din akong nashock nun.

9. White Jogging Pants. Isang white jogging pants na bigay ni mama sa akin nung isang linggo yung suot ko ngayon, kahit pang umuulan dito sa QC. Paborito kong magsuot ng puti kapag umuulan. Hirap lang pag nakaslippers ako kasi todo-ingat sa putikan. Hobby ko na sya actually. ^_^

8-2. 7 tao ang gusto kong makita bukas. ^_^ Di ko lang alam kung pupunta sila sa bahay, kung hindi man eh kahit isang text eh ayos na sa akin. Magandang birthday gift na yun para sa akin.

1. Isang linyang nagpatuwa sa akin. Ewan ko. Galing sya sa kaklase kong penguin (meiko). (yep.. penguin talaga na tawag ko sa kanya.. mahabang kwento. pero sya lang yung taong nagsabi nito sa akin. ^_^)

penguin: magtatanong pa ko kung sino gusto sumama…hehe
lotus: huwaaaT?
lotus: wahaha.. tingnan naten.
penguin: hehe…
lotus: naku naku, (kung makakapunta ka at kung sino man maisasama mo) pagpasensyahan kung ano ang kaya kong ihanda ah. wahahaha. nagkataong gipit eh. pero keri lang. pagdamutan na lang.
lotus: haha. ^_^
penguin: we just want to spend time with you…
penguin
: NAKS NAMAN
lotus: ayhhii.
penguin: haha…
lotus: kinilig naman ako dun. wahahah
penguin: on your special day…
lotus: baka mainlab ako nyan sa iyo. wag kang ganyan penguin!
lotus: wahahaha..
penguin: nabasa ko lng yan sa isang bday card.. haha

Oh di ba? Tamang pangkilig. Tamang regalo. Naks. Salamat ulet penguin!

At bakit Birthday Blow Job ang title nito? Tena, mukhang yung berdey ko bukas eh mukhang sa hapon ko pa maicecelebrate, may aayusin pa ako sa cityhall ng bandang umaga eh. Lekat na mga trabaho toh, bukas pa tumapat. Wapak. Birthday + JOB. Yung blow? Hmm. Tingnan naten. Wahahahaha. ^_^

?

Wapak. Mukhang magiging isang dakilang tambay na naman ako nito bukas, sa makalawa at sa mga susunod pang araw habang naghihintay ng enrollment namin.

Tapos na din kasi yung trabaho ko sa City Hall. End of contract na yung 15days (yep, 15days na lang yung contract na binigay ng city government sa mga spes at sa mga tulad kong suki na nang summer job).

Why 15 days? Kung dati-rati eh 2 months yung binibigay na summer job para sa mga estudyante, na biglang naibaba sa 20days, hanggang sa binanatan kami ng 15days contract na lang eh mukhang di ko na ata kayang isipin pa kung ilang araw na kontrata yung maibibigay sa mga susunod na taon pa.

Mas saglit pero mas bugbog sa trabaho, mukhang sinulit nila ang 15days na binigay sa amin para kami ay kawawain. Hahaha. ^_^

Malungkot, una dahil siguro sa wala na akong maibibigay na rason kay mama para makalayas ng bahay ngayong bakasyon, ikalawa dahil siguro sa medyo tatahimik yung mundo ko, ikatlo eh dahil sa wala nang mararaketan pa. Wapak. Masaklap na tadhana.

Masaya, dahil tapos na din yung pagpapahirap sa akin na opish na napagbagsakan ko, ikalawa dahil perstaym kong pag-agawan ng tatlong opish ng city government, hahaha.. SSDD, QCMCC, at SYDP. at ang nanalong opisina eh ang SYDP, dahil january pa lang kinontrata na kami. Oha oha oha. Tibay ah!

Haish. Naalala ko tuloy nung 2 years ago, nung unang sabak ko pa lang sa Summer Job, yung unang tanggap ko ng sahod ko. Halos lumipad ako sa tuwa dahil sa yun ang unang pagkakataon na makakatanggap ako ng sweldo na masasabi kong trinabaho at pinagpaguran ko, at yung cheque (40% nung mismong sahod ko eh naka-cheque at galing sa dole, while yung natanggap ko sa city government eh yung 60% at tumataginting na salapi sya) na halos magtatatalon ako dahil pangalan ko mismo ang nakalagay dun.

Nakakatawa pero nung time na yun eh tuwang tuwa ako, tuwang tuwa dahil lahat yun eh perstaym ko. Perstaym ko sa trabaho, at sa lahat lahat. Pero nung sumunod na taon na eh di na naging masyadong ganun kasaya kasi hindi na sya cheque, wala na ding perang binigay sa amin.. CASHCARD na sya! Yebah. Abe ko nun sa sarili ko “huwaw, nung una eh cheque na nakapangalan sa akin, ngayon naman eh CASHCARD naman.. ano kaya susunod netoh?”.

Di sya ganun kasaya kasi parang walang thrill masyado yung pagtanggap namin ng sahod namin, unlike nung dati na parang gusto mong makipag-suntukan sa pilahan para lang makaunang makatanggap ng sweldo at mapagyabang mo sa lahat na “ettoooh, may sweldo na ako!!” oha oha oha. Walang thrill kasi kahit makipag-unahan ako sa pagkuha ng CASHCARD eh di ko naman agad-agarang mawiwithdraw yung laman, pano, after 5pm pa sya pede eh that time nung nakuha namin yun eh alas-dose ng tanghali. Adik noh?

Medyo ang nakita ko lang thrill nung panahon na yun eh nung nagwithdraw na ako, dahil dabarkads kami, sabay sabay kaming nagwithdraw, buti na lang at walang dumaang holdaper at trippers na pedeng makasalisi sa amin. Malaki laki din yun for sure.

Ngayon, ikatlong pagkakataon ko na ito sa SPES. Di na sya ganun ka-thrill kasi kilala na ako, wala na yung pa-cute effect kasi alam na nila ang galaw ng bituka ko at kakayanan ko pagdating sa trabaho.

Bukas, tuluyan na akong walang trabaho. Tambay na ulet ako. Tambay ng buong umaga. Wala na din akong karapatang magload pa ng magload araw-araw dahil wala na akong mate-text na mga co-worker ng “anong oras meet bukas with the social workers?”, “kelangan pa ba tayo dyan? kung di na eh batsi na!” at nung nakakamatay na “hala, si ser nonie andito, dali.. mga adik, uusok na naman ilong netoh..”.

Haish. Isang tambay na naman. Bahala na, di ko lang alam kung kakayanin kong magtrabaho pa, gusto kong mag-apply ulet, tutal mahaba pa ang bakasyon, kaso, masyado akong maarte.. Ayokong maging service crew sa isang fastfood. Ahmm, hindi siguro dahil sa nag-iinarte ako kundi dahil sa siguro takot akong maranasan yung mga nararanasan nung mga asa ganun field, hindi din dahil sa mababa ang tingin ko sa kanila, kundi dahil sa ayokong makita ang sarili ko sa ganung sitwasyon.. Maybe, that will be my last option kung sakali man. Yung tipong, do or die..

Haish. Ah ewan. Bahala na.

 

Woots. Ilang araw na lang, madadagdagan naman ng isang taon yung edad ko.

But, may pagkaspecial yung darating kong kaarawan. Why? I’m turning 18. Yebah yebah. Pede nang maging legal ako sa lahat ng kalokohan kong gagawin.

Pede na akong makipag-inuman. (wapak. Teka teka, eh moderate drinker naman na ako mula nung high school pa ah? occasional drinker lang pala, hindi moderate. wahaha. di naman ako ganun kauhaw sa alak eh)

Pede na ako magyosi. Wapak, pero never kong gagawin na magpapakaadik dito. Hahaha. @_@ I admit, i smoke. Oh, dati yun.

Pede nang gumawa ng kalokohan na masasabing r18 ang ratings. Hehe. ^_^

And as i turn into my legal age, here’s my wishlist:

  • 3 more new domains
  • pay cheque (kahit contractual worker sa city government eh keri na)
  • a laughtough. yebah. i need it badly, kaso, tenang kwan yan eh, andun na eh, nabitin pa yung gamit, sana by this time eh matuloy na.
  • 1 night stand with.. isisipol ko na lang kung sino.
  • an article na pedeng kong maisumite na isang writing competition
  • to have a vlog. amf. kaso i don’t have the things para makapagrecord, and limit muna sa bandwidth, pero di pa ganun kataas yung sa host ko eh. 300mb memory.

Yun lang. Kasi, alam kong posible pa ito. Nektaym na yung iba. May berdey naman ako na susunod eh. Dun ko na lang isasama yung iba sa list ko for next year.

And pahabol, a nice blow from **********. Hahaha. ^_^ Naughty me.

 

Happiness. A post form ate allane of PUPLounge entitled ‘Sino ba si Happiness?’ stuck and stunned me for a moment.

Yebah yebah. Napaisip ako ng kaunti sa tanong nya, it make sense for me, naisip ko, sino nga ba talaga sya?

I always encounter him everyday, minsan kahit malungkot ako, bigla bigla na lang syang dumadaan sa harapan ko without any signs of dadaan nga sya, well, siguro ganun nga talaga ang personalidad ni Happiness, ang bigla bigla na lang manggulat.

Dati rati, madalas kong makita si Happiness, sa daan, sa corridor ng East Wing ng PUP, sa Teresa, sa Site, sa Klasrum, sa bahay namin, sa mismong lugar namin, at kahit sa mga site na bawal ang below 18. Haha. ^_^ Minsan napapaisip ako, bakit lagi ko syang nakikita? Stalker ko ba sya? O sadyang nagkakataon lang na  magkita kami?

Pero.. Dati yun. Ngayon eh medyo dumalang ko na syang makita, siguro may tampo sya sa akin mula nung naisip ko na may pagkastalker sya sa akin. ^_^

Yung dating halos minu-minuto ko syang makita eh naging madalang na, sayang lang at di kami nagkapalit ng mukha sa dalas naming magkita, di hamak kasing mas maganda syang nilalang kesa sa akin. Mas may appeal sa mga chiching nagkalat sa mga dinadaanan ko lagi.

Kaso sayang, dumadalang na talaga sya.

Kaso, sabi nga, always expected the unexpected, kung kelang di ko na ineexpect pang dadating si happiness, bigla bigla na naman syang sumulpot. Kagulat. Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko nung nakita ko sya, naisip ko ’sana magtuloy tuloy na toh’..

And mukhang di nga ganun talaga kadamot yung tinatawag na tadhana, napapadalas na ulet ang pagsasalubong naming dalawa.

And now. Kahit single ako. Kahit tinatatadtad ako ng trabaho, keri lang, kasi si Happiness, nakita ko, madalas kong kasama, at higit sa lahat, mukhang for real na talaga sya, kasi di na sya umaalis sa paningin ko.

Kung magtutuloy tuloy toh, for sure, mapapasabi na ulet ako ng ‘kewlness people’. Haha. ^_^

Ilang buwan na din ang nakakalipas mula nung nawala sa sirkulasyon ko ang buhay *tooot* (bakit di ko na sya kayang sabihin? Wala lang. Sometimes, there are things that must be left untold).

Maraming rason kung bakit sya nawala sa sirkulasyon ng buhay ko, mula sa dating 13hours a day na makikita ako sa site na yun, dumalang sa 1 oras kada linggo hanggang sa tuluyan na akong naglaho.

Iba ibang rason ang nakikita ko, siguro dahil medyo hindi na ganun kasaya dun, or sadyang nagbago na talaga ang lahat. Dati-rati kasi, papasok pa lang ako ng site, yung tipong kakalog-in ko palang, sandamakmak na nang tawanan ang mababasa ko, makukulit lahat ng tao, panay kulitan lang lagi ang nabuo..

Pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon eh mananatiling ganoon dun, yung akala kong walang katapusan na tawanan at kulitan, eh mauuwi pala sa gulo at konting tampuhan. Nagkawatak-watak na sya actually, yung dating kinilala kong isang pamilya na nagpapasaya sa akin eh naging isang grupo na lang na magkakaibigan. Oha oha oha. Amlayo na sa dating pagkakakilala ko di ba?

Ilang buwan matapos nun, nag-umpisa na akong maghanap ng ibang kakanlung sa akin. Amdami kong community site na sinalihan, sumaya ako kahit paano, masaya naman, no regrets, pero iba pa din yung mga taong nakilala ko sa lugar na iyon.

Hindi lang sila naging ‘VIRTUAL FRIEND’, in reality, naging kaibigan ko din sila. May naging ninong ako, may naging kaibigan ako, may naging kakulitan ako, may 4 akong naging kuya na nagmula sa site na yun, may ilang chiching naging kaibigan, may naging kakulitan ang aparador na nag-iisa, may naging ‘regular costumer’ ang aparador, may naging ‘crushed’ ako, (crushed kasi past na sya eh), may naging kalabtim ako, may naging kaasaran ako..

Kumpleto ang casting ika nga, pero, kahit na biglang nagtapos ang kwento pagkakaibigan ng iba sa site, keri lang. May nanatili pa din namang iba na alam ko na kayang magsabi ng ‘walang iwanan’..

And I am still happy with that.

And after ng ilang buwan na pagkawala sa sirkulasyon, kelan lang, nitong isang nakaraang linggo, isang imbitasyon ang bumungad sa akin.

Isang paanyaya na muling binuksan na ang dating site na kinabibilangan ko, isang panibagong site na kung san eh medyo may ilang pagbabago lang na naganap.

Huwaat. And poof, ‘hambak hambak’ na ulet ang magiging drama ko. ^_^ Yebah. Party party muna habang makikipagkulitan ako sa lounge ng nasabing site. Wahaha. ^_6
Kewlness. Yun lang ang masasabi ko. Wahaha. ^_^

Hindi masayang mabuhay sa mundo na tadtad ng problema.

Ayokong isipin na nabuhay ako para lang pasanin yung mga problemang tulad nito. Iba-ibang klase sya actually, mula sa magulo pero masaya kong pamilya, hanggang sa pinakamaliit na detalye ng buhay ko.

Minsan, gusto ko na lang na sumigaw hanggang sa maubusan ako ng hininga at boses, sa gantong paraan ko kasi gustong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Hindi ako yung tipo ng tao na kayang magpakamanhid sa totoong nararamdam at kayang-kayang makipagplastikan sa buong mundo na kaya kong ngumiti pero sa totoo lang eh humihiyaw yung kalooban ko.

Matapang ako.

Sa ngayon, pag-aaralan ko munang ngumiti. Ngumiti sa kabila ng lahat ng dinadanas ko. 

Sa ngayon, itutuon ko muna yung sarili ko sa pagsusulat dito sa sarili kong tahanan sa ‘kalsada ng kaalaman’ at magpapakabusy sa buhay may-trabaho dahil sa bakasyon.

Sooner, i’ll be over her. ^_6

And sooner, ngingiti na ulet ako sakaling mapagod ang panga ko kakangiwi. ^_6

April 7, 2008. 7:02pm.  — eksaktong oras nung naipost ko ito, sa di ko malamang dahilan, ito ang lumabas at napiga ko sa utak ko. Dapat sanang yung bagong artik-serye yung gagawin ko, yung tatlong chapter. Pero, habang sinusulat ko yung unang chapter, bigla na lang lumihis yung utak ko at ito yung biglang napiga. Err. Mahirap ipaliwanag pero bigla na lang talaga syang sumulpot.

6 hours after kong isulat ‘toh, nakipagbreak sya sa akin. Saklap. Habang sinasabi nya yun (via text) sa akin, parang lumulutang yung utak ko. Ayaw kong tanggapin yung sinabi nya o siguro ayaw lang talagang rumehistro sa utak ko yung mga sinabi nya. Awts.

Here’s what i’ve posted on that night. (by the way, nagkaroon ng konting aberya by last week at kinailangan ko pang ireconfig itong site. By now, ayos na sya ulet. ^_^

 

Gaano kadaling sabihin na mahal mo na agad ang isang tao?
Paano mo malalaman kung sya na nga ba yung tinatawag na ‘right person’ para sa iyo?
Ilang tao na din yung natanong ko about dito (kapag may topak lang naman ako tsaka ako nakakapagtanong ng ganito eh), pero mukhang lahat sila e walang maisagot na umaayon sa kung anong gusto kong isipin.
Magulo ba?
Gusto kong malaman mula sa kanila kung ano yung ‘right person’ na hinahanap nila sa buhay nila, iba-ibang sagot.. may sumagot ng “yung taong di ako kayang saktan kahit anong mangyari”, meron din namang sumagot ng “basta yung mayaman, matalino, may hitsura, may appeal” at syempre meron din namang nagpapakakorni ng sagot na tulad ng “basta yung taong tatanggapin ako ng kung sino at ano ako, yung totoong ako at hindi dahil sa kung anong meron ako..”.
Hmm. Medyo malalalim nga lahat ang pakahulugan nila para sa salitang ‘right person’ na gusto kong tukuyin, pero ano nga ba talaga para sa’kin yung salitang yun?
May gusto akong ilabas na bagong kahulugan ng salitang ‘right person’, pakahulugan na hanggang ngayon e hindi ko pa din maipaliwanag.
Nalilito ako, nahihirapan ako idescribe yung salitang yun. Madali lang naman syang ipaliwanag eh, madaling-madali, pero amhirap idaan sa salita para malaman kung anong kahulugan nga ba talaga ang gusto kong maging pakahulugan dito.
 Siguro habang di ko muna naipapaliwanag ang gusto kong ipakahulugan para sa salitang ‘right person’, hihiramin ko muna yung korning sagot na natanggap ko mula sa pinakakorning taong kilala ko..
“yung taong handa akong mahalin at tanggapin dahil sa kung sino ako at at hindi dahil sa kung ano ako.. ayokong mahalin nya ako dahil lang sa may rason sya para mahalin ako, gusto kong mahalin nya ako dahil sa wala syang makitang rason para hindi ako mahalin.. sya dapat yung tipo na hindi nagiging isyu ang yaman at estado ko sa buhay… ”
Kaso, naisip ko, nag-eexist pa ba ang ganitong klase ng tao? Klase ng tao na gusto nyang maging ‘right person’ para sa kanya? Sa bilyun-bilyong tao sa mundo, mahahanap ba nya ang taong nagtataglay ng ganitong katangian?
Hmm. Goodluck na lang sa kanya.
Sana, sa darating na panahon, makita nya din yung taong tinutukoy nya, yung taong magiging ‘right person’ para sa kanya. At sana, sa puntong mahanap na nya yung taong yun eh hindi na nya pakawalan at mapabayaan..
(teka? nasabi ko pa kung sino yung pinakakorning taong tinutukoy ko? ako lang naman yun. hehe)

-minsan lang ulet ako makapagnilay-nilay ng ganito. haha. ^_6

Ewan. Isang linggo na din mahigit mula nung sinabi nya sa akin yun, at hanggang ngayon, di pa din talaga rumerehistro sa utak ko yung mga nangyari. Nawawala pa din ako sa wisyo ngayon.

Gusto kong magpasagasa sa pison (di hamak naman kasing mas masaklap yung ganun eh. habang sinasagasaan ako siguro eh tyak kumakanta ako ng “it’s killing me softly..” oh adik di ba?), tumalon sa may billboard sa may east ave in front of gma7 at magpakalunod sa luha..

Ganito nga ba talaga pag iiwanan ka ng taong sobrang mahalaga para sa iyo? Maybe i’m not the right person for her, maybe for some reason we’re not really meant to be.. Pero, weno ngayon, maniniwala pa ba ako sa tinatawag na destiny o gagawa ng paraan just to win her heart again?

Loving someone needs too much sacrifices, you’ll have to sacrifice some of the most important things in your life just to prove that you’re for her.

Ganun ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Mahaba-haba ang bakasyon, maybe I can find myself and be better before mag-june. I need to grown up.

I need to have a slight change. Maybe for a better reason. Maybe, someday, our path will meet again.

This is not the end, I promised.

And sana, time won’t come na meron nang taong tutumbas sa nararamdaman ko para sa kanya before ko tuluyang mabago yung kung ano talaga ako.

^_^ Sabi nga ni manong (yung tinuturing kong mentor), “konting sakripisyo lang lot.. ganyan talaga, no matter what happened.. dito lang ako“.